andaming gumugulo sa utak ko ngayon.:( pero sa dinami dami na naiisip ko, laging KAMATAYAN, pagkawala, kawalan at kakulangan. heto na naman. eemo na naman.
Ayun, namatay na ang minamahal ng marami na si Sec. Jesse Robredo. Marami ang nalungkot at nagluksa para sa kanya. swerte niya. maraming NAGMAMAHAL sa kanya. Samantala, katulad ng 'di inaasahang pagkamatay ni sir Jesse, namatay din ang pamangkin ko (anak ng pinsan ko. wala akong kapatid). Apat na buwang taong gulang. Ngunit hindi tulad kay Sec Jesse, kaunti lang ang nakaalam at may pakialam sa Kawalng ito.
Hindi naman ako ganoon pa kalapit sa pamangkin kong 'yon pero nung makita ko nang humahagulgol at magang-maga ang maga mata ni ate Joy, ayun, affected na rin ako. Naalala ko 'yung kanta ni Bambu na the Love:
"the love when a father has to bury his daughter"sakit siguro nun sa part nila ate Joy at kuya Julius.:( nakakalungkot talaga. Sayang kay Kristelle.
REST IN PEACE, †NINI.
No comments:
Post a Comment